找歌词就来最浮云

《Upuan》歌词

所属专辑: Matrikula 歌手: Gloc 9&Jeazell Grutas 时长: 04:13
Upuan

[00:00:00] Upuan - Gloc 9/Jeazell Grutas

[00:00:00] Written by:Aristotle Pollisco

[00:00:42] Jeazell:Kayo po na naka upo

[00:00:47] Subukan nyo namang tumayo

[00:00:52] At baka matanaw at baka matanaw na nyo

[00:00:57] Ang tunay na kalagayan ko

[00:01:01] Gloc-9:Ganito kasi yan eh

[00:01:03] Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng

[00:01:05] Malaking bahay at malawak na bakuran

[00:01:08] Mataas na pader pinapaligiran

[00:01:10] At naka pilang mga mamahaling sasakyan

[00:01:13] Mga bantay na laging bulong ng bulong

[00:01:15] Wala namang kasal pero marami ang naka barong

[00:01:18] Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong

[00:01:20] Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong

[00:01:23] At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon

[00:01:25] At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon

[00:01:28] Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan

[00:01:30] Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan

[00:01:33] Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan

[00:01:35] Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan

[00:01:38] Kaya naman hindi niya pinakakawalan

[00:01:40] Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

[00:01:43] Jeazell:Kayo po na naka upo

[00:01:47] Subukan nyo namang tumayo

[00:01:53] At baka matanaw at baka matanaw na nyo

[00:01:58] Ang tunay na kalagayan ko

[00:02:03] Gloc-9:Mawalang galang na po

[00:02:04] Sa taong naka upo

[00:02:06] Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno

[00:02:08] Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero

[00:02:11] Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo

[00:02:13] Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin

[00:02:16] Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling

[00:02:18] Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero

[00:02:21] Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo

[00:02:23] Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero

[00:02:26] Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo

[00:02:28] Pero kulang na kulang parin

[00:02:30] Ulam na tuyo't asin

[00:02:31] Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin

[00:02:34] Di ko alam kung talagang maraming harang

[00:02:36] O mataas lang ang bakod

[00:02:37] O nagbubulag-bulagan lamang po kayo

[00:02:39] Kahit sa dami ng pera niyo

[00:02:41] Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo

[00:02:43] Kaya

[00:02:44] Jeazell:Wag kang masyadong halata

[00:02:48] Bato-bato sa langit

[00:02:52] Ang matamaa'y wag magalit

[00:02:57] O bato-bato bato sa langit

[00:03:02] Ang matamaan ay

[00:03:05] Wag masyadong halata ooh

[00:03:10] Wag kang masyadong halata

[00:03:13] Hehey

[00:03:15] Wag kang masyadong halata

[00:03:20] Wag kang masyadong halata

您可能还喜欢歌手Gloc 9&Jeazell Grutas的歌曲:

随机推荐歌词: