找歌词就来最浮云

《Bahay》歌词

所属专辑: Legends Series: Gary Granada 歌手: Gary Granada 时长: 03:47
Bahay

[00:00:00] Bahay - Gary Granada

[00:00:01] Written by:Gary Granada

[00:00:20] Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan

[00:00:24] Labinglimang mag anak ang duo'y nagsiksikan

[00:00:29] Nagtitiis sa munting barung barong na sira sira

[00:00:34] Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira

[00:00:43] Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong

[00:00:48] Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong

[00:00:53] Pinagtagpi tagping basurang pinatungan ng bato

[00:00:58] Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito

[00:01:02] Ay bahay

[00:01:23] Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata

[00:01:28] Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta

[00:01:32] Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman

[00:01:37] At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam

[00:01:46] Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko

[00:01:51] At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo

[00:01:56] Ang pinagpala sa mundo ang dyaryo at ang pulpito

[00:02:00] Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito

[00:02:05] Ay bahay

[00:02:25] Maghapo't magdamag silang kakayod kakahig

[00:02:30] Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig

[00:02:35] Sa papag na gutay gutay pipiliting hihimlay

[00:02:40] Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay

[00:02:54] Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw

[00:03:00] Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw

[00:03:05] Hindi ako nangungutya kayo na rin ang magpasya

[00:03:10] Sa palagay ninyo kaya ito sa mata ng Maylikha

[00:03:18] Ay bahay